| home | ask me | archive | Themes | fb |
Bawat isa sa atin may tinuturing na kaibigan. Meron d’yan may kanya-kanya pang twagan. Meron din nmang simula pagkabata, kung twgin nga nila eh, “childhood friend”. Kadalasan yang mga kaibigan ng mtagal, ang turingan na nyan bestfriends. Ang mga bestfriend na siyang pinagsasabihan ng lahat ng sikreto, minsan nga buong buhay na eh. Hehehe. Pero syempre minsan, hindi maiiwasan ang tampuhan, sagutan, minsan nagkakagalit pa. Ngunit, sa kabila ng mga ito ay ngiging okay pa din kayo. Masarap isipin na ang kaibigan mo marunong tumanggap ng pagkakamali at higit sa lahat marunong umintindi. Minsan kasi kapag nagkatampuhan ang magkaibigan, nagpapakiramdaman pa kung sino unang magsosorry. Kung alam mo namang mali ka, wag mo nang itaas ang pride mo! Ikaw na ‘tong magpakababa dahil alam mo namang ikaw ang mali at hindi ang kaibigan mo. Aminin man natin o hindi, ang PRIDE ang siyang nagiging dahilan kung bakit hindi naaayos ang isang problema. Makalipas lang ilang araw, balik na naman sa dati ang magkaibigan. Tumatawa ng sobra, kulitan ng kulitan, gala dito, gala doon, nood ng sine kasama ang kanya-kanyang mga ka-relasyon. At higit sa lahat, ang kalokohan ng isa, damay ka pa. Ganyan ang buhay ng isang taong may kaibigan, masaya! Kaya wag ka nang gumawa ng anumang bagay na alam mong ikasisira nyong dalawa, kasi kung ikaw ay mapagpahalaga sa kanya hindi mo hahayaang mawala siya sa buhay mo. Tandaan mo!!! Ang mga sikreto mo ay alam niya, kaya kapag ikaw gumawa ng hindi tama laban sa kanya, ikaw din ang maghihirap kasi kaya niyang gumawa ng paraan laban din sayo lalo na kung alam niya na hindi na tama ang ginagawa mo sa kanya. Uso ngayon ang PLASTIC, kaya mag-iingat ka din sa mga taong kakaibiganin mo kasi kalimitan ang mga kaibigan ngayon, kinakaibigan ka lang dahil may nakukuha silang benefit sayo. Di bale ng prangka kayo sa isa’t isa, at least kung may sinasabi man siyang masama sayo, harap-harapan na hindi yung kung kelan nakatalikod ka dun ka sisiraan. Kung plastic siya, wag kang makipagsabayan. Magiging totoo ka lang at panigurado konsensiya nya na ang papatay sa ugali niyang pagiging plastic! :)))


